Wednesday, August 19, 2009

PANSANGAY NA TAGISAN SA PAGBIGKAS NG TULA GINANAP!



Bilang pagsunod ng DepEd Memorandum Panrehiyon 476 s.2009 ang Dibisyon ng Cebu City ay nagdaos ng Tagisan sa Pagbigkas ng Tula na ginanap noong Agosto 13, 2009 sa Conference Hall, Fourth Floor. Ang piyesa ng timpalak ay ang sinulat ni Pat V. Villafuerte na pinamagatang “Wikang Filipino: Lenggwahe ng Pag-unlad at Pagbabago”. Ito’y pinaglalahukan ng mga mag-aaral sa publiko at pribadong paaralang sekundarya na pinangungunahan ni Dr. Ester Tangente and Dibisyon Filipino Coordinator.

Mula alas 8:00 hanggang 9:00 N.U ay nagkaroon ng rehistrasyon para sa mga kalahok na umabot ng 26; 31 mula sa pribado at 23 mula sa publiko.

Isang maikling pambungad na palatuntunan ang idinaos at tampok ang pagpapanumpa sa katungkulan ng mga Opisyales sa Samahan ng mga Guro ng Filipino (SAGUFIL). Nagbigay ng inspirasyunal na mensahe si Dr. Lorna E. Rances ang Schools Division Superintendent na ikinasisiya ng mga kalahok at tagapayo.

Sa ganap na alas 10:00 N.U. Sinimulan ang ang tagisan ng pagtutula. Ipinakita ng mga kalahok ang ang kagalingan at kahusayan sa pagtutula.

Ang mga hurado sa paglisahan ay sina Gng. Grecia Bataluna, ES-I-English; Gng. Emelda Binobo, ang prinsipal ng Cantimpla Integrated at ang tsirman si Gng. Nenita Pardenilla-ES-1-MAPEH.


Nanalo sa paligsahan ang sumusunod:

Rank 1 – Ezekel Maan – Cebu City Science National High School

Tagapayo: Bb. Annilyn Cannoy

Rank 2 – Jebert Tadena – Gothong MNHS

Tagapayo: G. Indaya

Rank 3 – Ilayo Aballa – Gothong MNHS

Tagapayo: Gng Felina Caleno

Rank 4 – Aljahn Babesula – Pit-os NHS

Tagapayo: Bb. Remedios Mendoza

Rank 5 – Larry Abella – Gothong MNHS

Tagapayo: Gng. Carmelita B. Mara

Ang nakatanggap ng tropeo at cash prize at nanalo sa Rank 1-3. Si Ezekel Maan ang magrerepresenta para sa rehiyunal na paligsahan na gaganapin sa CNU - Agosto 19, 2009.


MGA KALAHOK NG PANSANGAY NA TAGISAN SA PAGBIGKAS NG TULA

Pribadong Paaralan

1. Cebu Eastern College

2. Formation School & Kiddies Learning Center

3. USC – BED – SC

Publikong Paaralan

1. Camp Lapulapu National High School - Night

2. Mabini Integrated School

3. Regino Mercado Night HS

4. Abellana National School

5. Gothong MNHS

6. Sirao Integrated School

7. Guba NHS

8. Pardo NHS

9. Bo. Luz Night HS

10. Florencio Urot MNHS

11. Camp Lapulapu National High School – Day

12. Camp Lapulapu National High School – Science Class

13. Mambaling NHS

14. Gothong MNHS – Day

15. Don Vicente Rama MNHS

16. Cebu City Science NHS

17. Pit-os NHS

18. Gothong MNHS – Night

19. Adlaon NHS

20. Talamban NHS – Night

21. Don Sergio OsmeƱa MNHS’

22. Pardo NHS – Night

23. Agsungat Integrated School


No comments:

Post a Comment